Harry Potter - Delivery Owl

Tuesday, March 19, 2013

You'll always be in my ❤




After 7 years, sa break-up din pala ang ending. :p

Last Thursday, Arby and I decided to end our relationship. Plan B kung ba ga. Hindi ko na ie-elaborate kung anu yung nilalaman ng Plan B.. Haha amin na lang yun.

Ginawa ko 'tong blog na 'to para mailabas ko man lang yung dapat mailabas..

Arby and me have been part of each other life for more than a decade. I first met him, 2001. First year Highschool. Classmate sya ng cousin ko. Tinatamad na ako mag detalye basta naging kami ng 2002 o 2003. Basta 2nd year Highschool. Then nagbreak. 2006 naging MU kami. haha. Siguro dahil na din sa pangungulit ko. 2007 naging official na kami na. Escort ko sya sa debut namin ni Mina. Masaya naman kami. Kaso di kami yung maituturing ng iba na normal couple. Kasi masyadong strict ang parents ko.. Bihira pa sa blue moon kami mag-date. Kung mapayagan may chaperone pa. Haha. Pero masaya kami. ^_^ May mga problema pero kinakaya naman. Sya lahat yung kasama ko sa mga firsts ko eh. First Kiss, First Date, etc. 

2009, 2 years na kami, April yun lumipat kami dito sa Batangas ng bahay. LDR ang drama namin. Kasama namin sya nung maglipat kami ng gamit. Ang sad namin nun pero sabi namin wala magbabago. Distance lang yun... Haist tinatamad na 'ko mag kwento.. -_-

Mami-miss ko sya. Alam mo yung parte na sya ng routine mo. yung naglo-load ka lang para i-text sya. Yung pag gising mo sa umaga sya ang naiisip mo. maiisip mo na kung kumain na ba sya, kamusta kaya sya. Nakakainggit yung mga taong nakakasama nya, nakakakita sa kanya. Madami kaming bagay na hindi namin nagawa gaya ng mga normal na magkarelasyon. Pero naging masaya kami. 

Something went wrong at may mga nagbago na sa amin kaya we decided na tapusin na lang muna ito. We still hope na sa future after namin matapos yung mga dapat naming gawin, magawa ang mga di namin nagawa nung kami pa na iadya ng tadhana, na kami pa rin. pero who knows diba? maraming pwedeng mangyari. pwedeng may makatagpo sya na magpapasaya sa kanya. Kasi I admit nung kami pa alam ko di ko nagawa yung 100% ko para sa kanya.. at ganun din sya sakin.. He'd taken me for granted and cheated on me. I've hurt him in ways na di ko sinasadya at ginusto. Siguro kailangan namin 'to. To grow. To realize things na di namin mapapagtanto pag magkasama kami. To enjoy life. To love ourselves first. Para mas ma-improve ang mga sarili namin. Sya lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Alam nya
yun at alam ko naiparamdam ko yun sa kanya. I just wish him all the best. 

Hindi ko lang naman kasi sya Boyfriend. Bestfriend, Kuya at Barkada ko din sya.


I want to thank him sa lahat lahat.. For making me Happy and sad at the same time. Haha.. I'll cherish all the moments we shared together. And sorry sa mga nagawa ko na nasaktan ka. Sorry sa mga pagkukulang ko. Ingat ka lagi. God Bless.

No comments:

Post a Comment